Masakit na puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog ayon sa Doktor






Nagpayo ang isang doktor sa mga babaeng nakararanas ng iregular na regla o kaya’y sobrang pananakit ng puson tuwing ‘nagkakaroon’ na magpatingin agad sa espesyalista.
Ayon sa doktor, maaaring sintomas na iyon ng endometriosis o kaya’y polycystic ovary syndrome (PCOS).

Ang endometriosis ay isang uri ng sakit kung saan hindi lumalabas lahat ng regla, at sa halip ay naiipon sa loob ng katawan.

Magdudulot ito ng pamamaga sa tuwing magkakaroon ng buwanang dalaw at kalauna’y puwedeng mauwi sa pagkakaroon ng bukol.

“It can cause infertility… parami nang parami ang nagkokonsulta kasi hindi sila magkaanak,” ani Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist.

“The mass, kapag nagkaroon ng bukol, puwedeng andoon pa rin at habang nagkakaedad ang babae, the risk of cancer is higher.”

Base sa datos ng World Health Organization, 11 porsiyento ng mga babae sa mundo na nasa reproductive age na 15-44 years old ay may sakit na endometriosis.
Isa sa sintomas nito ay ang masakit na pagreregla.

Ayon kay Domingo, walang lunas ang naturang sakit kaya para di lumala ito, dapat magpatingin agad sa doktor kung madalas na sumasakit ang puson kapag nagreregla.

Isa pang problema ng kababaihan na hindi rin masyadong pinapansin ang PCOS.
Ayon kay Domingo, sa kanilang datos, nasa 27 porsiyento sa mga babaeng nasa reproductive age ang umiinda ng PCOS.

Sabi rin ng doktor, hindi madaling malaman kung PCOS ang sakit dahil iba-iba ang sintomas nito, tulad ng pagkakaroon ng iregular o hindi buwanang regla, pagkakaroon ng taghiyawat, at pagtubo ng buhok sa mga parte ng katawan na mas pangkaraniwan sa lalaki–tulad ng manipis na bigote.

Kaya mainam na magpatingin agad sa espesyalista kung hindi regular ang regla para na rin hindi na lumala kung mayroon mang PCOS.

Ayon sa mga doktor, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng endometriosis at PCOS ang isang babae.

Maiiwasan din ang pagkakaroon ng ganitong mga sakit kung tama ang diet at lifestyle.

Love this article? Share it with your friends and Like us for more Health Tips Updates!

The content of this article, including medical opinion and any other health-related information, is for informational purposes only and should not be considered to be a specific diagnosis or treatment plan for any individual (person). Use of this site and the information contained herein does not create a doctor-patient relationship. Always seek the direct advice of your own doctor in connection with any questions or issues you may have regarding your own health or the health of others. Read More



Masakit na puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog ayon sa Doktor Masakit na puson, iregular na regla, maaaring sintomas ng sakit na nakababaog ayon sa Doktor Reviewed by Elite News Portal on 7:17 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.