Like us:
Share on FacebookEditor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambata ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang ‘Private Nights’ sa DZMM ang mga pagkaing tinaguriang "aphrodisiac" o nakakapagdag ng gana sa pakikipagtalik.
Ayon kay Marquez, may likas na sangkap ang ilang pagkain na maaaring makapagpatindi ng kagustuhang makipagtalik.
Kabilang sa mga nabanggit ni Marquez ang mga pagkaing maaanghang tulad ng sili.
"Sabi nila kapag marami raw kinakain na sili, mag-iinit ang katawan. Actually, yes it could be a sexual stimulant kasi ikaw po ay pinapapawisan," paliwanag ni Marquez. "Mayroon siyang tinatawag na physiological response. Kapag ikaw ay kumain ng maraming sili, bibilis ang takbo ng puso mo, 'yong metabolism mo ay bibilis, so it will actually cause pagpapapawis or sweating."
Mainam din daw na 'pampagana' ang okra.
"Iyong okra po ay sobrang taas ng magnesium. Remember, magnesium is very important in your body para hindi ka nagka-cramps. Remember, kapag nagme-make love, kung minsan sobrang stretch there, stretch here, baka mag-cramps. To avoid that, when making love ay kumain kayo ng okra," ani Marquez.
Dagdag pa ni Marquez, may nutrients ang okra na mahalaga para mapanatili ang kalusugan ng reproductive organs.
Inirerekomenda rin niya ang mga prutas na pakwan at saging.
"Bakit stimulant ang watermelon? Dahil mayroon itong citrulline... Citrulline is an amino acid that will relax your blood vessels, it will increase your nitric oxide which is important for the erection of the penis," paliwanag ni Marquez. "Iyong saging po ay mayroon siyang enzyme na bromelain...
bromelain enzyme can actually increase libido."
Ayon din kay Marquez, mahalaga ang amino acid na "L-arginine" para sa mga kalalakihan. Karaniwang matatagpuan ito sa mga mani tulad ng almonds at walnuts.
"L-arginine can actually increase the production of nitric oxide. Nitric oxide can cause the relaxation of the blood vessels kaya doon sa mga kalalakihan, good erection"
Maituturing ding pampagana ang celery, asparagus, avocado, at itlog dahil nagbibigay ito ng dagdag-lakas sa katawan.
"Di ba kapag nagtatalik, you need more energy, di ka dapat tatamad-tamad," ani Marquez.
Maaari ring kumain ng dark chocolate, iba't ibang klase ng berries, at oysters bilang pampagana.
"Oysters can actually boost your dopamine levels. Mataas ang zinc na very important sa katawan," paliwanag ni Marquez.
May paalala rin naman si Marquez sa mga nagsasabing aphrodisiac din ang balut at ang "soup number 5".
"Kung araw-araw namang ikaw ay magba-balut, at ikaw ay araw-araw kakain ng soup number 5 -- that is actually testicles ng bull --baka tumaas naman ang iyong cholesterol o uric acid, so dahan-dahan lang po."
Binanggit din ni Marquez na hindi gamot sa 'sexual dysfunction' o problema sa pakikipagtalik ang aphrodisiacs.
"Sabi ng FDA [Food and Drug Administration], iyong non-medicinal approaches are ineffective."
Kung may pampagana, mayroon din daw mga pagkaing maaaring makaalis ng gana sa pakikipagtalik.
Ayon kay Marquez, hindi mainam para sa "libido" ang sobrang pagkain ng keso, corn flakes, tsokolateng hindi dark chocolate, popcorn, pritong pagkain, processed food, junk food, at labis na pag-inom ng kape, alak, serbesa, at carbonated drinks tulad ng soft drinks.
Paliwanag niya, may kakayahan ang mga nabanggit na pagkain na pababain ang "testosterone level" sa katawan.
"Kapag bumaba ang testosterone level mo, wala na. Ang libido mo, ang passion mo, iyong desire mo, wala na rin po. Low-batt ka na rin," ani Marquez.
Inirekomenda pa rin ni Marquez na para mapanatili ang pangkalahatang kalusugan ng katawan, tiyaking laging may kinakaing sariwang gulay at prutas araw-araw.
Source: ABS-CBN
Love this article? Share it with your friends and Like us for more Health Tips Updates!
The content of this article, including medical opinion and any other health-related information, is for informational purposes only and should not be considered to be a specific diagnosis or treatment plan for any individual (person). Use of this site and the information contained herein does not create a doctor-patient relationship. Always seek the direct advice of your own doctor in connection with any questions or issues you may have regarding your own health or the health of others. Read More
ALAMIN: Mga pagkaing 'pampagana' at 'nakakawalang-gana' sa pakikipagtalik
Reviewed by Elite News Portal
on
5:52 PM
Rating:
No comments: